Isinusulong ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco, na magkaroon ng mga imprastraktura para sa ligtas na pagbibisikleta sa mga kalsada sa Pilipinas.
Sa ilalim ng House Bill No. 4493 ay lilikha ng bike-friendly communities sa buong bansa sa pamamagitan ng national bike program.
Katwiran ng Kongresista, ang pagbibisikleta ang nakikitang magiging pangunahing mode of transportation ng mga tao sa “new normal” dahil sa limitadong pampublikong transportasyon.
Nakasaad sa panukala na maglalaan ng lanes na eksklusibo para sa mga bisikleta sa lahat ng pangunahin at secondary roads lahat ng bayan sa buong bansa.
Malaki naman ang magiging papel ng Department of Transportation (DOTr) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH), kasama ang Local Government Units (LGUs) sa pagbuo ng komprehensibong plano para sa programa.
Oobligahin rin ang lahat ng pampublikong lugar, mga opisina ng gobyerno, eskwelahan, malls, mga bangko, restaurants, ospital at iba pang establisyimento na maglagay ng bicycle racks para sa parking ng bisikleta.