Papasinayaan ngayong buwan ng Department of Transportation (DOTr) ang iba’t ibang bike lane projects sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao.
Ito ay bahagi ng hakbang ng pamahalaan na maisulong ang active transport sa mga Pilipino.
Nakumpleto ang 497 kilometers na pavement markings, physical separators at road signages sa tatlong metropolitan areas.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, ang mga bike lanes ay patunay sa commitment ng kagawaran sa pagpo-promote ng aktibong transportasyon at pagtitiyak ng kaligtasan ng mga bikers at pedestrians.
Ang total disbursement para sa tatlong proyekto ay nagkakahalaga ng ₱1.09 billion sa ilalim ng Bayanihan Bike Lane Networks Project.
Facebook Comments