Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong na magtatalaga sila ng bike lane sa buong lungsod sa pagpasok ng ‘new normal’ sa Metro Manila.
Ayon kay Mayor Menchie Abalos, isa itong proyekto ng lokal na pamahalaan para bigyan ng sariling daanan ang mga taga-Mandaluyong na gumagamit ng bike.
Aniya, inilatag na ng kanilang Engineering Office, Traffic and Parking Management Bureau at Barangay Affairs ang mga sistema at pamamaraan para rito.
Sisimulan na ito sa susunod na mga araw bilang experimental bike lane mula kahabaan ng Barangka Drive hanggang EDSA.
Ang paggamit ng bike bilang isa sa mga transportasyon ay magpapatuloy hangga’t umiiral ang community quarantine sa Metro Manila.
Facebook Comments