Minamadali na ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon City ang pagsisimula sa phase 1 ng bike lane network sa lungsod.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ito ay para mas maging ligtas ang mga nagbibisikleta habang bumibiyahe sa lungsod.
Kabilang sa first phase ng proyekto ang pagsasaayos ng kasalukuyang bike lanes at paglalagay ng temporary at semi-permanent traffic separation devices.
Samantala, patuloy pa rin ang ginagawa nilang pamamahagi ng helmets sa mga bicycle riders.
Alinsunod ito sa City Ordinance No. SP-2942 kung saan nire-require ang lahat ng bicycle riders na magsuot ng helmet.
Bagama’t umiiral na ang implementasyon ng nasabing ordinansa, nagbigay pa rin ng dalawanng linggong palugit ang alkalde bilang konsiderasyon sa mga walang kakayahang bumili.
Sisimulan na sa unang araw ng Nobyembre ang buong implementasyon ng ordinansa at pagmumultahin ang sinumang lalabag dito.