Bike lanes sa Metro Manila, Cebu at Davao, target tapusin ng DOTr ngayong buwan

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na tatapusin ngayong buwan ang konstruksyon ng nasa 523 kilometers ng bike lanes sa Metro Manila, Cebu at Davao.

Ang pagtatayo ng protected bike lanes ay nakapaloob sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Nasa ₱1.3 billion ang inilaang pondo para sa pagsasa-ayos ng pedestrian sidewalks at protected bike lanes, at pagsusulong ng bicycle sharing o lending programs.


Sa pagdinig sa Kamara, sinabi ni Transportation Assistant Secretary Steve Pastor na sinisilip nilang matapos ang bike lanes ng Metro Cebu at Metro Davao sa June 15.

Target namang makumpleto ang bike lanes sa Metro Manila sa June 30.

Nasa 65% complete na ang proyekto, o 427.44 km na bike lane network.

Idinagdag pa ni Pastor na may inilaang pondo para sa bike-sharing program na ipinatutupad ng DOTr katuwang ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa EDSA.

Ipinaprayoridad ang bike lanes sa Metro Manila, Cebu at Davao dahil dito ang may mataas na economic activities.

Sa ilalim ng program,a 338.53 kilometers na bike lane ang ilalatag sa Metro Manila, 129.66 km sa Metro Cebu at 54.51 km sa Metro Davao.

Facebook Comments