Bike ng delivery boy, ninakaw sa Makati

Paglabas ng Cash and Carry Mall, sa may Filmore St., Brgy Palanan, Makati City natuklasan ng delivery boy na si Albert Sioson, Food Panda biker, na nawawala na ang kanyang bisekleta.

Ayon sa Philippine National Police-Southern Police District (PNP-SPD), nangyari ang insidente mag-aalas 9 kagabi sa parking area ng nabanggit na mall kung saan dali-daling nagpasaklolo ang biktima sa naka-duty na security guard.

Agad ding inalerto ang mga security guard sa naturang mall dahilan para maispatan ang suspek na si Michael Poblete, 26 years old, na lulan ng nasabing bisekleta.


Nang komprontahin ng mga security guard dito nakuha mula sa suspek ang isang 18 inches yellow black bolt cutter at ang itim na mountain bike ng biktima na positibo naman nitong kinilala.

Laking pasalamat ng biktima sa mga sekyu na tumulong sa kanya para marekober ang kanyang bike na ginagamit nya sa trabaho.

Sa ngayon hawak na ng SPD ang suspek at nahaharap sa kasong theft.

Facebook Comments