‘Bike Patrol’ Inilunsad ng Solano Police Station

Cauayan City, Isabela-Inilunsad kamakailan ng Solano Police Station ang ‘Bike Patrol’ na layong mas mapabilis ang pagresponde sa mga ilang krimen sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay PMAJ. Ferdinanda Laudencia, hepe ng PNP Solano, paraan din ito ng kanilang pwersa na mapanatili ang maayos na timbang ng mga miyembro ng pulisya lalo pa’t mandato nito ng kasalukuyang pinuno ng pambansang pulisya.

Aniya, hakbang din ito upang mapanatili ang presensya ng pulisya sa mga matataong lugar lalo na ngayong yuletide season.


Samantala, tuloy-tuloy aniya ang pagtitiyak ng kanilang hanay upang magpaalala sa publiko kung paano makakaiwas sa pagkahawa sa COVID-19.

Facebook Comments