BIKE PATROL UNIT NG BINMALEY POLICE STATION, AARANGKADA SA PAGBANTAY NG KAAYUSAN AT SEGURIDAD SA BINMALEY

May dagdag na suporta sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bayan binmaley matapos maging fully operational ang bike patrol unit ng Binmaley Municipal Police Station.

Layunin ng inisyatibong ito na palakasin ang public safety, mapabilis ang pagresponde ng mga pulis, at mas mailapit pa sa komunidad ang serbisyo ng kapulisan sa iba’t ibang bahagi ng munisipalidad.

Ayon sa Binmaley Municipal Police Station, nakahanda na para sa deployment ang nasabing bike patrol unit bilang bahagi ng kanilang patuloy na hakbang para mapanatili ang kaayusan at seguridad sa lugar.

Sa paggamit ng bisikleta sa pagpapatrolya, inaasahang mas magiging magaan at mabilis ang pag-iikot ng mga pulis, lalo na sa mga lugar na mas madaling marating sa ganitong paraan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments