Bike patrols, ipinag-utos ni PNP Chief Archie Gamboa bilang bahagi ng “new normal”

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa sa mga local police commanders na magsagawa ng mga bike patrols sa kanilang mga komunidad.

Layon nitong makatulong sa police visibility, “quick response”  at sa mga “request for assistance” sa kani-kanilang mga lokalidad.

Sinabi ni PNP Chief  na importante ang police visibility sa ilalim ng “new normal” dahil patuloy pa rin nilang i-che-check ang pagsunod ng publiko sa health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks at physical distancing.


Matatandaang  una nang iminungkahi ng gobyerno sa publiko na gumamit ng bisikleta sa gitna ng kawalan ng public transportation.

Kasabay nito, sinabi ni Gamboa na nagsasagawa rin ang PNP ng mga adjustment sa kanilang mga operasyon para makasabay sa “new normal” kapag naibaba na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa General Community Quarantine (GCQ) simula sa June 1.

Ito ay ang pag-aayos sa kanilang mga tanggapan para masiguro ang physical distancing sa workplace at ang pagsasagawa ng kanilang “one network project” na uugnay sa lahat ng Police Regional Offices sa National Headquarters sa pamamagitan ng audio, video at data communication.

Facebook Comments