Bike repair station at bike-sharing program, inilunsad sa San Juan

98

Magagamit na ng mga siklista ng libre ang isang bike repair station matapos itong pasinayaan ng lokal na pamahalaan ng San Juan City.

Ang solar-powered bicycle repair pit stop ay matatagpuan malapit sa city hall sa kalye ng Pinaglabanan at ito ay bukas hindi lamang para sa residente ng San Juan kundi pati na rin sa ibang siklista na mangangailangan ng emergency repair habang nasa lungsod.

Kumpleto ang bike repair station sa gamit pangkumpuni mula sa pump, adjustable wrench, screwdriver, at iba pa para makapag-vulcanize ng mga bisikleta.


Maliban sa bike repair station ay naglunsad din ang San Juan ng bike-sharing program para sa mga empleyado ng city hall kung saan 105 bisikleta ang inilaan ng lokal na pamahalaan na maaaring hiramin ng kanilang mga empleyado sa pagpasok sa trabaho.

Facebook Comments