Bikoy, Facebook at YouTube, inireklamo ng cyberlibel ng isang negosyante

Nahaharap sa isang bilyong pisong cyberlibel complaint si Peter Joemel Advincula, kasama ang Facebook at YouTube.

Ito ay matapos maghain sa Legaspi City Prosecutor’s Office ng dalawang hiwalay na reklamo ang Bicolanong negosyanteng si Elizaldy Co, may–ari ng Misibis Resort and Hotel Management laban sa mga akusado dahil sa paglabag sa Section 4 ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act.

Mababatid na isa sa mga video ng “Ang Totoong Narcolist”, inakusahan ni Advincula si Co na miyembro ng drug syndicate na quadrangle group


Base sa complaint affidavit ni Co, matapos siyang madawit sa video ay nakakatanggap siya ng tawag at mensahe mula sa kanyang mga partner sa negosyo, supplier, creditor, client at ilang indibidwal.

Dahil sa video, nadungisan ang reputasyon ng kanyang pangalan, negosyo at katayuan sa lipunan.

Pinapanagot din ng kampo ni Co ang Facebook at YouTube dahil sa pag-dedma sa kanyang request noong April 26 na alisin sa kanilang platform ang nag-viral na videos ni Bikoy.

Facebook Comments