Bikoy, ibinunyag ang mga kasabwat niya sa “Ang Totoong Narcolist“ videos

Manila, Philippines – Mas idinetalye ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy ang mga umano’y kasabwat niya sa videong “Ang Totoong Narcolist.”

Binanggit rin ni Bikoy ang mga umano’y kasama sa project Sodoma na planong patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kaniyang affidavit, iginiit ni Bikoy na si Senator Antonio Trillanes IV ang utak ng kaniyang paglantad kapalit ng kalahating milyong piso.


Habang sa project Sodoma naman ay planong patalsikin sa pwesto ang Pangulo bago ang Hunyo 30.

Kasama rin aniya sa plano ang pag-upo ni Vice President Leni Robredo sa Malacañang at si Trillanes ang magsisilbing bise presidente.

Maliban sa mga nabanggit na mga pangalan, sinabi ni Bikoy na kasama rin sa mga nagplano ng project Sodoma sina Father Albert Alejo na isang heswita, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, tatlong obispo at ilan pang pari kasama si Robert Reyes at si dating Education Secretary Armin Luistro.

Idinamay rin ni Bikoy sina Senators Risa Hontiveros at Leila De Lima sa pamamagitan ng kanilang mga abugado.

Iniugnay rin ni Bikoy sa oust Duterte plot sina Chel Diokno, Gary Aleljano, Romulo Macalitan, Pilo Hilbay, Bam Aquino, Samira Gutoc at Erin Tañada.

Facebook Comments