“Bikoy is a scam” – Sara Duterte

430
Image via Facebook/City Government of Davao

“Kung ako leader ng grupo na ito (If I were the leader of this group), I will shoot myself in the head, get rid of the brain that is not useful.”

Ito ang matapang na pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kaugnay ng rebelasyon ni Peter Joemel Advincula tungkol sa mga taong nasa likod ng ‘Ang Totoong Narcolist’.

Inilarawan din ni Duterte-Carpio na ‘scam’ ang ‘Bikoy videos’ na dumadawit sa kanyang pamilya sa mga illegal drug trade.

“Bikoy is a scam created by people who oppose the Duterte administration,” dagdag ng Presidential daughter.
Ayon pa sa kanya, magulo ang grupong bumuo sa ‘Bikoy’ scandal.

“This group is so disorganized they cannot even get to first base because the path to their objective is in disarray.”
Sinabi ni ‘Bikoy’ sa ‘Ang Totoong Narcolist’ videos na ang mga perang galing sa illegal drug trade ay dumidiretso sa bank account nina Paolo Duterte, asawang si Atty. Mans Carpio, at incoming Senator Christoper ‘Bong’ Go.
Sa press conference kanina, humingi ng kapatawaran si Advincula sa pamilya Duterte. Ngunit para kay Duterte-Carpio, hindi na niya dapat ito gawin.
“”No need to ask forgiveness, I was not in all the videos. Wala cguro siya kahibaw unsa akoa tattoo sa likod (Hindi niya siguro alam kung ano ang tattoo ko sa likod).”
Facebook Comments