“Bikoy”, kailangan munang lumutang bago magkaroon ng imbestigasyon

Manila, Philippines – Hindi maaaring imbestigahan ng Senado ang Bikoy video hangga’t hindi lumulutang si Bikoy.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson, kailangan munang magpakita ni alyas Bikoy at maglatag ng mga ebidensya sa kaniyang mga alegasyon laban sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, hindi naman kasi maaaring basta magpatawag ng pagdinig ang mga senador gayung hindi naman humaharap sa kanila ang taong sangkot rito.


Facebook Comments