Bikoy video, makabubuting pag-usapan na lang pagkatapos ng eleksyon

Manila, Philippines – Para kay Senator Kiko Pangilinan, mas makabubuting pag-usapan na lang ang Bikoy video pagkatapos ng eleksyon sa May 13.

Punto ni Pangilinan, 11 araw na lang at eleksyon na kaya dapat mas binibigyang pansin ngayon ang mga bagay na mahalaga sa araw-araw na buhay ng Pilipino.

Pahayag ito ni Pangilinan sa harap ng puspusang pagtugis ng gobyerno sa mga nasa likod ng Bikoy video na nagdadawit sa ilegal drug trade sa pamilya Duterte at ilang malalapit dito na personalidad.


Sabi ni Pangilinan, hayaan muna ang mga Pilipino na ihalala ang nais nila at hindi kasama dito ang mga nagnanakaw sa katotohanang dapat nilang malaman at mga nagnanakaw sa kaban ng bayan.

Kasabay nito ay binigyang-diin ni Pangilinan, na hindi niya kilala ang mga nasa likod ng Bikoy video.

Facebook Comments