BIKTIMA?| Hinihinalang biktima ng summary execution natagpuan sa Makati City

263

Makati City – Nakabalot ng duct tape ang mukha at nakagapos ang mga kamay sa likod nang makita ang labi ng isang lalaki sa P. Medina Street Barangay Pio Del Pilar, Makati City.

Wala pang pagkakakilanlan ang biktima na nakasuot ng puting damit at naka maong na pantapon.

Ayon sa Tactical Operation Unit ng Makati Police, nakatanggap sila ng tawag na mayroong binaril sa nabanggit na lugar mag-aalas onse Huwebes ng gabi.

Base sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), may mga tama ng bala ang biktima sa ibat-ibang parte ng katawan.

Nagkalat din ang basyo ng bala ng baril sa crime scene.

Dinala sa Rizal Funerals Homes sa Pasay City ang mga labi ng biktima para sa dagdag na pagsusuri.

Facebook Comments