BIKTIMA NG BOGA SA PANGASINAN, NASA ANIM NA

Umabot sa pito ang bilang ng mga biktima ng paputok sa Pangasinan.
Sa datos ng Pangasinan Provincial Health Office, mula ika-21 ng Disyembre hanggang ika 27 ng Disyembre, anim dito ay biktima ng boga at isa naman ay dahil sa kwitis.
Anim sa mga biktima ay menor de edad kung saan pinaka-bata ay apat na taong gulang at ang pinakamatanda ay edad 33.

Ang mga biktima ay mula sa Alaminos City, Lingayen, Mangatarem, Malasiqui, Manaoag at Sta. Maria.
Base pa rin sa ulat ang mga biktima ay nasugatan sa tenga, daliri, baba, balikat at mata.
Paalala ng PHO, umiwas sa paputok at gumamit na lamang ng alternatibong pampaingay sa pagsalubong ng Bagong Taon. |ifmnews
Facebook Comments