BIKTIMA NG FOOD POISONING | Kalagayan ng halos 200 tao, patuloy na inoobserbahan

Bataan – Patuloy na inoobserbahan ng Bataan Provincial Health Office ang kalagayan ng halos dalawang daang katao na umano’y nabiktima ng food poisoning sa naturang lugar.

Ayon kay Freddie Vidad ng Morong, Bataan Municipal Disaster Risk Reduction And Management Office, nakakain umano ng Vietnamese bread na “Banh Mi” na may halong karne ang mga biktima na karamihan umano ay mga bata.

Nabili raw ito ng mga biktima sa isang tindahan sa Barangay Poblacion sa nasabing lugar.


Isinugod na umano ang mga ito sa pinakamalapit na mga ospital at mga health centers kung saan simula pa raw noong Pebrero 27 ay nagsimula na nilang maramdaman ang lason.

Wika ni Vidad, sa ngayon ay wala pa naman umanong napaulat na namatay o nasa kritikal na kondisyon dahil sa pagkalason.
<#m_2325210504436889359_m_-1286470194179252505_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments