Biktima ng panibagong uri ng ‘romance scam’ na nag-aalok ng pekeng trabaho, na-rescue ng BI

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko sa panibagong breed o uri ng “romance scam” sa ibang bansa.

Ito’y matapos mapag-alaman na tina-target nito ang mga Pinoy na naghahanap ng trabaho.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, mayroon silang na-rescue at na-repatriate na 24 years old na Pinoy na biktima at dumating sa bansa kagabi.

Matapos ang matagumpay na rescue operation sa tulong ng Philippine Embassy sa Cambodia.

Salaysay ng biktima, pinapagawa umano sila ng wrong text bilang panimula sa isang conversation at doon na sisimulan ang pakikipaglandian sa kanilang target gamit ang mga social media at dating application.

Inamin din nito na maging siya ay nag-handle na rin ng tatlong pekeng babaeng account at gumamit ng picture ng iba para linlangin ang kanilang bibiktimahin.

Dahil sa hindi pagtupad sa qouta ay pinupukpok umano ito sa ulo ng kanyang among dayuhan.

Kung kaya, pinag-iingat ng BI ang publiko sa mga trabahong inaalok online dahil maaaring ito ay human trafficking scheme.

Samantala, agad namang na-i-turn over na ang mga nakuhang ebidensya sa Inter-Agency Council Against Trafficking, para imbestigahan ang mga recruiter at ang mga sangkot sa likod ng scam.

Facebook Comments