Biktima ng paputok, nadagdagan pa ng 18 – DOH

Nadagdagan pa ng 18 ang naitala ng Department of Health (DOH) na fireworks-related injuries kasabay ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Pero ayon sa DOH, 75% itong mababa kumpara sa kaso noong 2019, at 83% na mas mababa kumpara sa five-year average.

99 sa mga biktima ay nasugatan ng paputok, may isang kaso ng ligaw na bala.


Wala namang naitalang fireworks ingestion.

Halos kalahati o 45 kaso ay mula sa National Capital Region (NCR).

72 kaso ay nagtamo ng blast injuries na hindi kailangan ng amputation, 24 ang nagtamo ng eye injuries at apat ang nagkaroon ng blast at burn injuries.

Nasa 64% ang passive users, 54% ay nangyari sa kalye.

Aabot naman sa 58% ng mga kaso ay dahil sa ilegal na paputok, kung saan ang kwitis ang nangungunang dahilan ng injury kasunod ang luces at piccolo.

Facebook Comments