MANILA – Pumalo na sa 581 ang bilang ng mga naputukan sa pagsalubong ng bagong taon.Ito ay batay sa latest tally ng Dept. of Health kung saan kalahati nito ay nasa National Capital Region (NCR).Sa kabila nito, sinabi ni DOH Spokesperson Asec. Eric Tayag na nananaitli pa ring itong mas mababa kung ikukumpara sa loob ng 5-taon mula 2011 hanggang 2015.Sa 581, kalahati nito o 381 ay naitala sa NCR kung saan sa Maynila ay mayroong 107 kaso, Quezon City ay 70 at Marikina ay 27.Pinakabatang biktima ng paputok ay 1-taong gulang dahil sa bawal na piccolo habang ang pinakamatanda naman ay 71-anyos.Tinukoy ng DOH ang mga bawal na paputok na umabot sa 299 na kagagawan ng piccolo na may 186 kaso na sinundan ng kwitis at luces.
Facebook Comments