BIKTIMA NG PAPUTOK SA REGION NITONG BAGONG TAON, TUMAAS NG 76. 2%

Mas mataas ng mahigit pitumpung porsyento ang naitalang bilang ng mga nabiktima ng paputok nitong nagdaang holiday season kumpara noong taong 2023.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health – Ilocos Region, mula December 21, 2024 hanggang nitong January 6, 2025, umakyat sa kabuuang bilang na 221 na firework-related injuries (FWRI) ang naitala sa rehiyon, habang nasa 126 lamang ang kaso noong nakaraang taon sa parehong panahon.

Nanguna sa pinakamaraming biktima ay ang Pangasinan na may 119, sinundan ng La Union sa 28, Ilocos Sur sa 35 at Ilocos Norte sa 29.

Sa bilang, 173 dito ay nagtamo ng blast/burn injury without amputation, habang may 43 naman ang nagtamo ng eye injury.

Samantala, Ilan sa mga biktima ng paputok ay nasa impluwensya ng alak noong Holiday season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments