Biktima ng riding-in-tandem simula noong Enero, nasa mahigit 90

Simula January 1 ng kasalakuyang taon hanggang kahapon ay umaabot na sa 93 ang bilang ng nabiktima ng riding-in-tandem o mga suspek na magka-angkas sa motorsiklo.

Ayon kay Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon, 71 sa mga ito ay nasawi, 20 ang sugatan at 2 ang nakaligtas o hindi nasaktan.

Sabi pa ni Gordon, 52 sa mga biktima ay sibilyan.


Kabilang din sa mga biktima ang 13 opisyal ng pamahalaan, walong government employees, isang guro, isang engineer, isang magsasaka, isang pari at dalawang abogado.

Diin ni Gordon, hindi nahuhuli ang mga riding-in-tandem dahil walang plaka ang gamit na motorsiklo ng mga ito.

Dismayado si Gordon dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin lubos na naipatutupad ang Motorcycle Crime Prevention Act na nag-uutos ng mas malaki at color-coded na license plate para mga motorsiklo.

Facebook Comments