Biktima ng ‘Stray Bullet’ na isang Estudyante, Matagumpay na Naoperahan

44

*Cauayan City, Isabela*- Patuloy ang isasagawang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng nasa likod ng insidente ng ligaw na bala matapos ang matagumpay na operasyon ni Julius Rumbaoa, 22 anyos, isang estudyante matapos bumaon sa kanyang leeg ang bala ng baril.

Ayon sa imbestigasyon ni PMAJ. Reynaldo Maggay, Hepe ng Presinto Uno ng Santiago City Police Office, isasailalim na sa ballistic examination ang bala na nakuha mula sa biktima upang mapanagot ang responsable sa insidente.


Dagdag pa ng hepe, posible umanong galing pa sa katabing barangay ang pinagmulan ng stray bullet batay sa trajectory ng pagbagsak ng bala mula sa himpapawid.

Matatandaang 17 ng Enero ng mangyari ang insidente habang natutulog ang biktima kasama ang kanyang pamilya.

Facebook Comments