BIKTIMA NG SUNOG SA PANGAPISAN, ALAMINOS CITY, INABUTAN NG TULONG

Inabutan ng tulong ang biktima ng sunog sa Barangay Pangapisan, Alaminos City matapos magpaabot ng agarang assistance ang Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office sa residenteng naapektuhan ng insidente kagabi.

Ayon sa ulat, agad na rumesponde ang CSWDO upang magbigay ng kinakailangang tulong kay Tatay Virgilio na nawalan ng ari-arian bunsod ng sunog.

Patuloy naman ang lungsod sa pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa maagap, malasakit, at mapagkalingang serbisyo para sa mga mamamayan, lalo na sa mga panahong may sakuna at pangangailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments