Bilang mga nasawi sa bakbakan sa Marawi, umabot na sa higit 300

Marawi City – Umabot na sa 310 ang nasasawi sa patuloy na gulo sa Marawi City.

Sa ulat ng joint task force Marawi, aabot sa 225 terorista na ang patay habang nasa 59 na sundalo at pulis ang nagbuwis ng buhay.

Patuloy ding bineberipika ang bilang ng mga napaslang na sibilyan.


Nasa higit 1,600 na sibilyan na ang nasagip kabilang ang ilang hostage na na-trap sa bakbakan.

Nakarekober naman ang tropa ng pamahalaan ng 208 mga armas na karamihan ay matataas ang kalibre.

Facebook Comments