Bilang na nasawi kasunod ng malakas na lindol, nadagdagan pa

Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga nasawi kasunod ng malakas na lindol noong lunes.

Kanina namatay  ang 2 taong gulang na pasyente ng Jose B Lingad Memorial Regional Hospital sa San Fernando Pampanga.

Ayon kay Dr. Monserrat Chichioco, head ng JBLMRH, nagkaroon ng respiratory failure. Ang 2 taong gulang na biktima na kababayan nating ito ay matapos tamaan ng tipak ng bato sa ulo nang dahil sa lindol.


Sa nasabing hospital marami pang pasyente ang inoobserhan na biktima ng lindol at ilan sa kanila ay nasa kritikal pang kondisyon.

Samantala,  sa Porac Pampanga naman kung saan may gumuhong gusali 2 pang biktima  na nasa ilalim  ang humihimgi ng tulong base na rin sa monitoring ng mga rescuer.

Pero sa ngayon tigil parin ang isinasagawang search and rescue operatio,  Matapos ang malakas na aftershocks kanilang madaling araw.

Facebook Comments