Bilang na nasawi sa pertussis, umabot na sa 5 – QC LGU

PHOTO: Quezon City Epidemiology & Surveillance Division/Facebook

Kinumpirma ng Quezon City government na pumalo na sa lima ang bilang ng mga nasawi sa Pertussis sa lungsod.

Base sa talaan ng QC Epidemiology and Surveillance Division, isa ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na nagmula sa District 5.

Sa kabuuan ay aabot na sa 28 ang naitalang kaso ng Pertussis sa QC mula January 1 hanggang March 23, 2024.


Kasunod nito, ay patuloy ang ginagawang pagtukoy ng lungsod sa mga naapektuhan ng Pertussis.

Pinayuhan din ng LGU ang mga may sintomas ng Pertussis na magtungo sa mga health centers upang magpakonsulta.

Facebook Comments