Bilang na ng lugar na nasa ilalim ng granular lockdown, nasa 489 na lang

Bumaba na sa 489 ang lugar na nasa ilalim ng granular lockdown bunsod ng COVID-19.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, 391 dito ang galing sa Cordillera Administrative Region (CAR) habang 81 dito ay mula sa Region 2.

Samantala, aabot sa 97,336 katao sa buong bansa ang nabigyan ng babala habang 10,000 ang lumabag sa mga protocols ng granular lockdown.


Sa naturang bilang, 12,000 sa mga nabigyan ng babala ay mula sa National Capital Region (NCR) habang nasa 3,600 ang nagmultahan.

Facebook Comments