Umabot sa 1,369 ang mga kumpiskadong ipinagbabawal na bagay mula sa mga bumibisita sa Manila North Cemetery ngayong hapon ng November 2, All Soul’s Day.
Pinakamarami rito ay mga sigarilyo na nasa 620. Sinusundan ng flammable materials na nasa 86, habang ang mga pabango o perfume ay nasa 64.
Mula October 30 hanggang November 2, umabot na sa 2, 267 ang mga confiscated prohibited items.
As of 5pm, nasa 301,000 na ang bumisita sa Manila North Cemetery. Bumaba na kung ikukumpara kahapon, All Saints’ Day na umabot sa 1.1-M.
Facebook Comments