Bilang nang nasawi sa pagtama ng lindol sa Davao Oriental, umakyat na sa 10

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NRMMC), umabot na sa 10 ang bilang ng mga nasawi sa pagtama ng mga lindol sa Davao Oriental.

Mula sa unang napaulat na walo ay nadagdagan pa ng dalawa habang nanatili namang nasa 176 na naiulat na injured o nasaktan.

Kaugnay nito, nasa mahigit 300 na libong pamilya ang apektado ng nasabing sakuna o katumbas ng 1.5 milyon na indibidbwal.

Samantala nasa mahigit 80 milyon na ang naibibigay na assistance sa lugar at P8 milyong halaga mula sa mga lokal na pamahalaan at Regional Agencies sa bansa.

Facebook Comments