Bumaba ang bilang ng active cases ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Mandaluyong.
Batay sa tala ng health department ng lungsod, mula sa 235 na bilang ng active cases noong Martes, bumababa ito ng 230 kahapon.
Ayon sa Mandaluyong City Health Department, ito ay dahil sa 10 bagong pasyente na gumaling na sa sakit na dulot ng virus.
Kahit bumaba ang bilang ng active cases, tumaas pa rin ang bilang nga mga infected ng virus.
Sa katunayan, may limang bagong pasyente ng COVID-19 na naitala ang health department ng lungsod kahapon.
Dahilan para magkaroon ng kabuuang bilang na 764 confirmed COVID-19 cases ang Mandaluyong City, kung saan 58 rito ay mga nasawi at 476 naman ng mga nakarekober.
Nasa 1,380 ang bilang ng mga suspected cases sa lungsod habang 383 naman ang bilang ng probable cases.