Bilang ng active cases ng COVID-19 sa lungsod ng Makati, nadagdagan ng 13

Nadagdagan ng 13 ang bilang ng active cases sa lungsod ng Makati ngayong araw, dahilan para tumaas ang bilang nito sa 645.

Paliwanag ng City Health Department ng Makati, mas marami ang na-infect ng virus kumapara sa mga gumaling kahapon.

Batay sa kanilang tala kahapon, 44 ang mga bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod habang 31 ang mga gumaling sa naturang sakit.


Pero ikinatuwa naman ng pamunuan ng CHO dahil wala namang bagong nasawi sa lungsod na dulot ng virus, kaya naman nananatili ang kabuuang bilang nito sa 425 ngayon araw.

Ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa lungsod ngayong araw ay nasa 12,089 na ito, kung saan 11,019 nito ay ang kabuuang bilang naman ng recoveries.

Facebook Comments