Bilang ng active cases ng COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong, muling tumaas

Nadagdagan ng 13 ang bilang ng active cases ng COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong dahilan para tumaas ang bilang nito sa 93.

Batay sa tala ng health department ng lungsod kagabi, ang dahilan ng pagtaas ng bilang ng active cases ay bunsod ng mas marami ang nagkasait kumpara sa mga gumaling.

Batay sa kanilang ulat, 24 ang bagong kumpiramdadong nagpositibo ng COVID-19, pero 10 lang ang gumaling sa naturang sakit at isa ang nasawi sa nakalipas na 24 oras.


Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa lungsod ngayong umaga ay nasa 5,712 na, kung saan 5,452 mga gumaling na sa naturang sakit at 168 naman ay mga nasawi nadulot ng virus.

Facebook Comments