Bilang ng active cases ng COVID-19 sa Lungsod ng Taguig, muling nadagdagan

Nadagdagan muli ng 11 ang bilang ng active cases sa lungsod ng Taguig sa nakalipas na 24 oras, dahilan para tumaas ang kabuuang bilang nito ngayong araw sa 80.

Paliwanag ng Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU), mas marami ang na-infect ng virus kumapara sa mga gumaling kahapon.

Batay sa kanilang tala kahapon, 52 ang mga bagong tinamaan ng sakit na COVID-19 sa lungsod habang 48 ang mga gumaling sa naturang sakit.


Nananatili naman sa 184 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa lungsod ng dahil sa virus ngayon araw.

Sa kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ngayong araw ay nasa 12,359, kung saan 12,095 nito ay ang kabuuang bilang naman ng mga gumaling mula sa nasabing sakit.

Facebook Comments