Muling bumaba ang active cases ng COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong.
Mula sa 123 noong Martes, ngayon ay nasa 121 na lang ito.
Paliwanag ng City Health Office, ito ay dahil may 13 bagong gumaling sa naturang sakit, dahilan para pumalo ang kabuoang bilang nito sa 5,489.
Nananatili rin sa 183 ang bilang ng mga nasawi na dulot ng virus.
Wala naman naitalang bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19, kaya nananatili ito sa 5,793 cases.
Tiniyak naman mg Pamahalaang lungsod ng Mandaluyong na binibigyan nila ng tulong medikal ang mga active cases na may sintomas ng naturang sakit habang ang iba naman ay nananatili sa kanilang mga quarantine facility.
Target din nila na mapababa sa 100 ang active cases sa susunod na buwan.
Facebook Comments