Bilang ng Active Cases sa Isabela, Sumipa

Cauayan City, Isabela- Bahagyang sumipa sa 847 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw ng Biyernes, tumaas ang bilang ng COVID-19 active cases sa probinsya matapos makapagtala ng 166 na panibagong kaso.

Mayroon din naitala ang probinsya na 64 bagong gumaling at dalawang bagong namatay sa COVID-19.


Umaabot naman sa 27,342 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa nasabing sakit samantalang nasa 889 na ang bilang ng mga namatay na may kaugnayan sa covid.

Sa kasalukuyan, mayroong 29,078 na total cumulative cases ng COVID-19 ang Isabela.

Facebook Comments