Bilang ng active cases sa Muntinlupa City, malaki ang ibinaba

Inihayag ng Health Department ng Lungsod ng Muntinupa na halos kalahati ang ibinaba ng bilang active cases sa lungsod.

Batay sa kanilang tala, mula 60 noong isang araw, bumaba ito sa 36.

Ito ay bunsod na rin na marami ang mga gumaling kahapon kumpara sa mga na infection sa naturang sakit.


Sa kanilang tala, nasa 27 ang mga bagong recoveries kahapon ng lungsod, dahilan para tumaas ang kabuuang bilang nito sa 4,886 ngayong umaga.

May tatlong bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitala kahapon, kaya naman tumaas sa 5,088 ang kabuuang bilang nito.

Isang pasyente naman na positibo sa COVID-19 ang namatay, kaya umakyat din ang kabuuang bilang ng nasawi na dulot ng virus sa 166.

Facebook Comments