Bilang ng active cases sa Taguig, muling tumaas

Photo Courtesy: Taguig City FB Page

Muling umakyat sa 83 ang kabuuang bilang ng active cases sa lungsod ng Taguig matapos itong madagdagan ng 14 sa nakalipas na 24 oras.

Batay sa tala ng City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU), nadagdagan din ng 37 na bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19, dahilan pa tumaas ito sa 10,400.

Mula 10,144 na bilang ng recoveries, tumaas ito ng 10,167, matapos magkaroon ng 23 bagong mga gumaling na naturang sakit.


Nananatili naman sa 150 ang nasawi sa lungsod dulot ng virus.

Facebook Comments