Nakapagtala ang Taguig City Epidemiology Diseases and Surveillance Unit (CEDSU) ng 23 bagong bilang ng active cases ng COVID-19.
Dahil dito, malaki ang itinaas ng kabuuang bilang nito na umabot na sa 105.
Paliwanag ng CEDSU, mas marami ang mga tinamaan ng nasabing sabing sakit kumpara sa mga gumaling.
Batay sa kanilang datos, 29 ang mga bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod, dahilan para tumaas sa 10,933 ang kabuuang bilang nito.
Nasa lima lang ang mga bagong gumaling, kaya naman bahagyang tumaas ito sa 10,652.
Nagkaroon naman ng isang bagong nasawi sa lungsod na dulot ng virus, kaya tumaas sa 176 ang kabuuang bilang nito ngayong araw.
Facebook Comments