Bilang ng adult patients na tinamaan ng tigdas, umabot sa higit 30

Manila, Philippines – Mahigit 30 mga matatanda ngayong na mayroong tigdas ang nagpapagaling sa San Lazaro Hospital.

Sa datos ng San Lazaro Hospital, 38 ang kaso nila ngayon ng mga adult patient o mga nasa edad 19 pataas na tinamaan ng tigdas.

Ayon kay Dr. Ferdinand De Guzman, Spokesperson San Lazaro Hospital, malaki ang itinaas nito mula sa apat na adult patients lang nitong nakaraang Pebrero 5.


Sa buong bansa, wala pa rin daw nakikitang paghupa sa measles outbreak na umabot na sa 9,267 ang mga kaso sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Pebrero 18.

Mayroon naman umanong 146 pasyente ang nasawi.

Paalala ng Department of Health (DOH), ang pagpapabakuna ay hindi lamang umano para sa mga bata kundi para din sa mga matatanda rin.

Facebook Comments