BILANG NG AKSIDENTE SA KALSADA SA REHIYON UNO NGAYONG HOLIDAY SEASON, UMAKYAT SA 23

Umakyat na sa 23 ang kabuuang bilang ng mga naitalang aksidente sa kalsada sa Region 1 mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 27, 2025.

Ayon sa datos, may apat na karagdagang kaso ang naitala noong Disyembre 27.

Sa kabuuang bilang, ang pinakamaraming apektado ay nasa edad 30 hanggang 34 taong gulang na bumubuo sa 28.1 porsyento ng mga kaso, at karamihan sa mga nasangkot ay kalalakihan.

Isa mga ito ang naiulat na nasawi.

Ang mga datos ay nagmula sa mga Provincial DOH Offices, Provincial Health Offices, pampubliko at pribadong ospital, DOH hospitals, Health Emergency Alert Reporting System Report, at Online National Electronic Injury Surveillance System.

Kaugnay nito, nagpaalala ang Department of Health Ilocos Region sa publiko na magsuot ng DTI-approved helmet sa pagmomotorsiklo at seatbelt para sa mga nagmamaneho at pasahero ng sasakyan, iwasan ang pagmamaneho kapag pagod o lasing, sumunod sa itinakdang speed limit at mga road sign, tiyaking may sapat na pahinga bago bumiyahe, at iwasan ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho upang maiwasan ang aksidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments