Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, bahagyang bumaba

30

Bahagyang bumaba sa 28,891 o 5.5% ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

1,658 naman ang bagong kaso habang ang bagong gumaling ay 27 lamang at ang bagong binawian ng buhay ay 58.


Sa ngayon, ang total COVID-19 cases na sa bansa ay 527,272 habang ang total recoveries ay 487,574 o 92.5%.

Ang mild cases naman ngayon ay 88.5%, ang asymptomatic ay 5.3%, ang nasa kritikal na kalagayan ay 3.0% habang ang severe cases ay 2.7% at ang moderate cases ay 0.56%.

Facebook Comments