Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa buong bansa, bumaba ng higit 1,000 kumpara kahapon

Bumaba ng higit 1,000 ang naitatalang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH), nasa 5,803 ang naitalang karagdagang kaso ng COVID-19 na mas mababa ng higit 1,000 kumpara kahapon na nasa 6,959.

Dahil dito, nasa 57,679 na ang aktibong kaso ng virus habang nakapagtala naman ng 7,652 na gumaling sa sakit.


Sa kabuuan, pumalo na sa 1,277,715 ang bilang ng nakakarekober sa COVID-19 sa buong bansa.

Nadagdagan naman ng 84 na pumanaw na sa kabuuan, nasa 23,621 na ang bilang.

Nasa 1,359, 015 naman ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Base sa ipinasang ulat sa DOH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 18, 2021 habang mayroong dalawa sa mga ito ang hindi nakapagpasa ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Nabatid na sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng dalawang laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.14% sa lahat ng samples na naitest at 0.13% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Facebook Comments