Bilang ng Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Cagayan Valley, Halos 5 Libo na

38

Cauayan City, Isabela- Sumipa sa 4,323 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa buong Lambak ng Cagayan.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2 as of June 5, 2021, nakapagtala ang rehiyon ng 411 panibagong kaso ng COVID-19; 165 na bagong gumaling samantalang walang naitalang bagong nasawi sa nasabing virus.


Umaabot naman sa 40,367 ang kabuuang bilang ng gumaling sa COVID-19 samantalang nasa 1,180 ang ang kabuuang bilang ng mga namatay sa COVID.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 45,883 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong rehiyon.

Facebook Comments