Cauayan City, Isabela- Umakyat na sa 391 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.
Ito’y matapos madagdagan ng 65 na positibong kaso ng COVID-19 na naitala lamang ngayong araw, Enero 8, 2020.
Mula sa 65 new confirmed cases na naitala sa probinsya, dalawampu’t dalawa (22) ang naitala sa Lungsod ng Cauayan; labing tatlo (13) sa Lungsod ng Ilagan; walo (8) sa Lungsod ng Santiago; pito (7) sa bayan ng Tumauini; lima (5) sa San Mariano; dalawa (2) sa San Mateo; tig-tatlo (3) sa Jones at Luna; at tig-isang (1) bagong kaso sa bayan ng Ramon at Quirino.
Pero, gumaling naman sa COVID-19 ang dalawampu’t isang (21) nagpositibo kaya tumaas naman sa 2,958 ang total recovered cases ng Isabela.
Nasa 45 na COVID-19 positive patients naman ang binawian ng buhay ang naitala ng Isabela.
Sa bilang na 391 active cases, isa (1) ang Returning Overseas Filipino (ROFs); apat (4) na Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs); dalawampu’t dalawang (22) healthworker; tatlumpu (30) na pulis at 334 na Local Transmission.