Cauayan City, Isabela- Bumaba na sa 397 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.
Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Pebrero 12, 2021; nakapagtala ng tatlumpu’t tatlo (33) na bagong gumaling sa COVID-19 ang Isabela na nagdadala sa kabuuang bilang ng nakarekober sa 4,256.
Mayroon namang dalawampu’t isa (21) na naitalang bagong tinamaan ng sakit na kung saan ang pito (7) sa mga ito ay naiulat sa Lungsod ng Cauayan; apat (4) sa Lungsod ng Ilagan; tatlo (3) sa bayan ng Gamu; dalawa (2) sa bayan ng San Mateo at Santiago City; at tig-isa sa Benito Soliven, Naguilian at Sto. Tomas.
Mula sa bilang na 397 active cases, 353 rito ay Local Transmission; labing lima (15) na pulis; labing siyam (19) na health workers at sampung (10) Locally Stranded Individuals (LSIs).
Ang probinsya ng Isabela ay mayroon ng 90 na naitalang COVID-19 related death.