Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Makati, muling tumaas

Nakapagtala muli ang Makati City Health Department (MCHD) ng 16 na bilang na active cases sa lungsod sa nakalipas na 24 oras, dahilan para tumaas ang kabuuang bilang nito ngayong araw sa 824.

Ang Barangay Pio Del Pilar ang may pinakamaraming active cases ang lungsod kung saan mayroon itong 124 na active cases ngayong umaga.

Nadagdagan din ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan mayroon ito ngayong 84 na bagong kaso ng COVID-19, dahilan para tumaas ang kabuuang bilang nito sa 12,511.


Umabot na rin sa 11,245 ang mga gumaling na sa naturang sakit habang nananatili naman sa 442 ang bilang ng mga nasawi sa Makati ng dahil sa virus.

Facebook Comments