Inihayag ng City Health Office ng Muntinlupa na nasa 31 nalang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Batay sa kanilang datos, ang Barangay Buli ay walang naitalang bagong kaso ng COVID- 19.
Ang Barangay Putatan, Bayanan at Cupang naman ay may tig-isang kaso ng COVID-19.
Habang ang Barangay Sucat pa rin ang may pinkamaraming bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lahat ng Barangay ng Muntinlupa, kung saan meron pa rin itong 9 na COVID-19 active cases.
Tiniyak naman ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa na patuloy na nanatili sa kanilang mga quarantine facilities ang mga indibiduwal na may sakit dulot parin ng COVID-19.
Patuloy rin ang ginagawang contact tracing sa mga nakahalubilo ng mga nagpositibo ng nasabing sakit.
Sa ngayon, umabot na ng 27,576 ang confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod, kung saan 26,966 dito ay mga gumaling na naturak sakit at 579 naman ang nasawi.