Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Pasay, nananatili sa higit 50

Umaabot sa 52 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Pasay, kung saan lima rito ang naitalang bagong kaso.

Nananatili naman sa 391 ang bilang ng nasawi habang pumalo na sa 14,189 ang bilang ng residente ng Pasay na gumaling sa COVID-19.

Sa kabuuan, nasa 14,632 ang naitalang kumpirmadong kaso ng virus kung saan 172 na barangay sa lungsod ang COVID-19 free na.


Sa natitira naman na 29 barangay na may positibong kaso ang Brgy. 183 ang may naitatalang mataas na bilang na nasa 12.

Sa kabila ng mababang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19, patuloy ang paalala ng lokal na pamahalaan ng Pasay sa mga residente nito na palaging mag-ingat upang hindi mahawaan ng sakit.

Facebook Comments